DOH, binigyang diin na iba-iba ang mental health struggles ng bawat tao

Binigyang diin ng Department of Health na ang bawat indibidwal ay may iba’t-ibang capacities na tumugon sa maging resilient sa mental health problems.

Ito ang tugon ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matanong ng kanyang komento kaugnay sa naging pahayag ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ang mental health problems ay maaring magamot sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ibinibigay sa ilalim ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

Giit ni Vergeire, na bagama’t hindi umano siya psychiatrist o eksperto para magbigay ng komento, naniniwala umano siyang iba-iba ang kailangan ng tao para sila ay maging mentally healthy.

Mababatid na nilinaw ni Galvez ang kanyang naunang pahayag at sinabing ang ibig nilang sabihin ay kayang ma-build ng ROTC program at maging matatag ang mental health ng isang indibidwal, dahil ito ay magpapalakas sa abilidad ng isang estudyante na tumugon sa mga stressful situations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *