DOH kinukunsidera pa ring matagumpay ang katatapos lang na NVD 4 kahit hindi naabot ang target na mabakunahan

CAMARINES NORTE- Itinuturing pa rin ng Department of Health na naging matagumpay ang katatapos lang na National Vaccination Days 4 sa kabila ng kabiguang maabot ang target population na mabakunahan.

Ayon sa departamento naging malaking hamon ang pag abot sa target lalo’t mayroon pa rin umanong vaccine hesitancy.

Sinuyod naman daw ng DOH at ng mga Local Government Units at nagkaroon ng innovated strategies para mahikayat ang mga tao na magpabakuna.

Sa datos ng DOH hanggang Marso 21 naitala ang 63 % na accomplishment sa pagbabakuna sa  ika- apat na pambansang bakunahan.

Mataas ang bilang ng mga nagpabakuna ng second dose na aabot sa 2, 535 o  224  percent mula sa target na 1, 131.

Pero kung mataas ang naging accomplishment sa second dose ay mababang masyado ang bilang ng mga nagpabakuna na kabilang sa A2 priority group o senior citizen.

Sa 1, 851 na target nasa 243 lang ang nagpabakuna o 13 percent.

Sa Primary dose nasa 2, 778 ang nabakunahan mula sa target na 2, 982 o 93 percent.

Mababa rin ang nabakunahan ng booster dose na nasa  478 lang mula s atarget na  6, 312 o 8 percent.

Sa kabuuan nasa  5, 885 ang nabakunahan mula s atarget na 9, 294.

Ginawa ang NVD mula March 10 hanggang 18 ng taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *