Mga magsasakang may pagkakautang sa NIA muling pinaalalahanang  mag avail ng condonation program

CAMARINES NORTE-Muling pinaalalahanan ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka sa Camarines Norte na mag avail ng condonation program upang malinis ang kanilang pagkakautang.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Mariano Villamonte, Public Information Officer ng NIA sa Camarines Norte na bukas na uli ang kanilang opisina sa Daet para sa mga kliyente lalo na sa mga mag- aavail ng condonation program.

Aniya, dahil sa COVID- 19 pandemic ay nagkontrol ang NIA sa pagpapasok ng mga tao sa opisina.

Paalala ni Villamonte sa mga magsasaka na mag- avail na condonation program habang nagpapatuloy pa ito.

Hindi raw kasi masabi ng NIA kung hanggang kailan ang programa lalo pa ngayong magtatapos na ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi po natin alam yung susunod na administrasyon ay ibalik yung bayad sa patubig so yung hindi mga nag- aavail ng condonation program, malay natin ibalik yung bayad sa patubig o di yung mga hindi nag- avail  ng condonation program balik po yung kanilang mga pagkakautang at papatungan pa yun ng  a certain percent para dun sa kanilang mga hindi pag comply sa condonation program,” ani Villamonte.

Matatandaan na Nobyembre ng nakaraang taon ay iniulat ng ahensiya na sa halos 9,000 magsasaka na dapat mag avail ng condonation program ay nasa  40 %  pa lang dito ang nakakapag avail.

Nasa 60 % pa umano ang hinahabol ng NIA kaya’t  nagsagawa na rin sila ng mobile application sa mga lugar na maraming magsasaka na hindi pa nakakapag avail ng programa.

Nilinaw din ng ahensiya na bagamat naisabatas ang Free Irrigation Service Act noong 2018 ay hindi aniya nangangahulugan na malilibre na ang mga magsasaka sa kanilang bayarin bago pa ito naisabatas.

Ang tinutukoy na saklaw ng condonation program ay ang utang na hindi nabayaran mula noong 1975 kung kailan nag umpisang maningil ang NIA hanggang noong 2018.

“Kaya dun po sa mga farmers natin na hindi pa ngpupunta dito sa opisina para makapag avail ng condonation program ay punta n po kayo dito sa aming tanggapan para hanggat hindi pa po natatapos yung period na i- cut na po yung ano, pag a-avail ng condonation program makapag avail po yung mga farmers natin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *