DOH, kumpiyansang may pagkukunan na pondo para sa COVID vax sa 2023

Tiwala ang Department of Health na mayroon silang magpagkukunan ng pondo para sa mga bibilhing bakuna kontra COVID-19 sa susunod na taon, kahit wala umanong mailaang pondo para sa bakuna ilalim ng 2023 General Appropriations Act .

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang mahigit P300 bilyon hanggang P323 bilyon na budget ng DOH, sinabi ni Senador Pia Cayetano,  sponsor ng panukalang 2023 budget ng DOH na mayroong mga existing loan ang health department para dito.

Ayon kay Cayetano, na batay sa DOH, magsasagawa mula sila ng inventory ng mga COVID vaccines.

Pero ang proceeds umano ng loan na nagkakahalaga ng P3.4-billion ay magiging available para sa pagbili ng 5 million doses ng bivalent vaccines.

Maliban dito, nangako din umano ang COVAX na magbibigay ng naturang bakuna sa 2023.

Sa gitna nito, ang booster shots pa rin umano ang magiging focus ng mga parating na bakuna sa susunod na taon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *