DOJ, kinasuhan na ang PNP at PDEA personnel na sangkot sa ‘2021 misencounter’ na ikinamatay ng apat na tao

Sinampahan na ng kaso ng Department of Justice ang tatlong mga PDEA agents at apat na mga pulis na kabilang sa ‘misencounter’ na ikinasawi ng ilan nitong mga personnel noong nakaraang taon.

Kinasuhan ng mga prosekyutor ng DOJ ng homicide ang mga PDEA agents na sina Khee Maricar Rodas, Jeffrey Baguidudol, at Jelou Santiniaman para sa pagkamatay ni PCpl. Eric Garado.

Direct assault naman ang kahaharapin ng mga QCPD personnel na sina PCpl. Paul Christian Gandeza, PLt. Honey Besas, PMaj. Sandie Caparroso at P/SMSg. Melvin Merida.

Samantala, na-dismiss naman ang reklamong homicide laban kay PDEA agent Romeo Asuncion at isa pang kaso kay PCpl. Alvin Borja dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Dismissed din ang iba pang ikinabit na kaso sa mga ito kasama na ang reklamong robbery.

Mababatid na noong ika-24 ng Pebrero taong 2021, nagkaroon ng shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Special Operations Unit ng QCPD at PDEA sa tapat ng isang fast-food chain sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Nasawi rito ang dalawang mga pulis, isang PDEA agent, at isang informant.

Matatandaang limang buwan matapos ang misencounter na ito, pinangunahan nina PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva at dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang joint guidelines sa pagkakasa ng mga anti-illegal drug operations nito nang sa gayon ay hindi na maulit pa ang madugong insidente na ito.(GAB DALISAY)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *