Ilang bangka bahagyang nasira, ang iba tumagilid dahil sa malakas na hangin

Nagkaroon ng konting sira ang ilang bangka sa Barreto, Olongapo habang ang iba naman ay tumagilid.

Ito ay kasunod ng naranasang napakalakas na hangin kagabi pasado alas syete y medya sa may bahagi ng Baloy area.

Ayon kay Kabalikat Civicom Robert Cañete, malakas ang hanging dumaan sa kanilang lugar kung saan siya nagtatrabaho.

Kaninang umaga ay nakita nito na may bangkang bahagyang nagkasira at mayroon ring tumagilid.

Kagabi maliban sa hangin ay nakaranas rin ng malakas na pag-ulan ang syudad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE S Shopee AT NOW AVAILABLE BUY NOW! 500mg 60C NUTRICLEANSE HERBAL ETARY SUPPLEMENT CAPSULE PSYLLIUM INULINF FIBER. ALOE VERA ROSEHIP PAPAIN ApppOvr CLAIMS'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *