DOT, nais gawing 7 araw ang quarantine period ng mga returning Fiipinos na fully vaccinated vs. COVID-19

Nais ng Department of Tourism (DOT) na gawing pitong araw ang quarantine period ng mga returning Filipinos na fully vaccinated na laban sa COVID-19 mula sa dating 10 araw. 

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito ay para mahimok ang mga nagbabalik na mga Pilipino na bumiyahe patungong Pilipinas dahil nadi-discourage ang mga ito na umuwi dahil sa mahabang 10 araw na quarantine sa hotels. 

Aniya, maraming mga returning Filipinos ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 pero required pa ring sumalang sa quarantine period na required para sa mga di pa nababakunahan. 

Inihalimbawa ng kalihim na sa Thailand, pinaikli sa pitong araw ang quarantine days para sa fully vaccinated individuals mula sa dating 10 araw. 

Sinabi ni Puyat na saklaw ng proposal ang returning overseas Filipinos, overseas Pinoy workers, at balikbayans na fully vaccinated na.

Noong Biyernes, iminungkahi rin ng DOT na bumuo ng “green lane” na magfa-facilitate ng pagpasok ng mga foreign visitors na fully vaccinated na laban sa virus. 

Tatalakayin umano ng DOT ang proposal katuwang ang iba pang government agencies bukas. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *