DOT USec., binati ang mga kalahok sa Fiesta Bicolandia

LEGAZPI CITY – Nagpaabot ng pagbati si Department of Tourism USec. Ferdinand Kokoy Jumapao para sa mga nakiisa sa selebrasyon ng Fiesta Bicolandia na ginanap sa isang mall sa lunsod ng Legazpi.

Aniya, isa itong pagkakataon at paalala na ang lalawigan ng Albay at ang rehiyon ay unti-unti nang bumabangon mula sa pandemya.

Dalawang taon din umano ang lumipas kung saan nakaranas ang lahat ng iba’t ibang uri ng pagkalugmok sa trabaho, kabuhayan at higit sa lahat – turismo.

Inihayag niya naman na sa ngayon ay nakakabangon na ang rehiyon sapagkat unti-unti nang nawawala ang banta sa kabuhayan at negosyo; nakikilala at binabalikan na ito ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Positibo rin na magkakaroon na ng mas maraming flights sa hinaharap dahil sa pag-unlad ng turismo sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *