DPWH Region 2, tiniyak ang pagsasaayos sa nasirang bahagi ng San Lorenzo bridge sa Nueva Vizcaya

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos sa lalong madaling panahon sa nasirang bahagi ng San Lorenzo Bridge sa Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ito ay dulot ng aksidenteng nangyari noong September 12, 2021 kung saan sumabog ang isang fuel tanker na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DPWH RO2 Information Officer Wilson Valdez, kasalukuyan na ang isinasagawang clearing operation ng DPWH Personnel sa naturang lugar.

Aniya, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa may-ari ng fuel tanker dahil mabusisi umano ang isinasagawang pagtanggal ng mga natirang diesel dito.

Natapos na rin aniya ang assessment para sa durability ng bridge at upang malaman ang remedial measures na isasagawa sa mga nasirang girders ng tulay.

Ayon pa kay Valdez, pagkatapos ng isinasagawang retrieval operation ay agarang ilalatag ng ahensya ang plano sa pagsasaayos ng tulay at upang makapagrequest aniya ng pondo para rito.

Sa ngayon ay isang lane lamang ang maaring daanan ng lahat ng uri ng behikulo sa nasabing lugar habang hindi pa ito naaayos.

Mahalaga rin aniya na walang malaking pinsala ang idinulot ng aksidente dahil magiging problema umano ito ng mga biyahero.

Dagdag pa ni Information Officer Valdez, hindi inaasahang nagrun-over sa railings ng tulay ang nasabing sasakyan.

Inabisuhan naman niya ang mga motorista o drayber ng mga sasakyan na mag-ingat at sundin ang traffic rules and regulation upang maiwasan ang aksidente sa daan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *