Drayber, patay sa pamamaril sa Batangas

STO. TOMAS CITY – Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang minamaneho ang tricycle patungong Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City bandang 6:30 kagabi ng Lunes, Mayo 3, 2021.

Kinilala ang biktima na si Medel Aguilus Mira na residente ng naturang lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Sto. Tomas CPS, sakay sa kanyang tricycle ang biktima mula sa Maharlika highway ng tambangan ng gunman na sakay rin ng tricycle.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Agad na tumakas ang suspek patungong Maharlika highway bitbit ang hindi pa nalamang uri ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *