Driver ng suspek sa Camilon case, wala pa raw ibinibigay na detalye

Wala pa umanong ibinibigay na detalye sa kanyang involvement ang isa sa itinuturing na key suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon na si Jeffrey Magpantay matapos na kusang sumuko sa Balayan Municipal Police Station sa Batangas.

Si Magpantay ay driver ng pangunahing suspek sa kaso na si PMaj Allan de Castro.

Ayon kay Balayan Batangas Police chief PMaj. Domingo Ballesteros, ang paglutang ni Magpantay ay para i- presenta umano ang kanyang sarili sa proseso ng preliminary investigation.

Maaalalang , kusang nagtungo sa Balayan Police si Magpantay kasama ang kanyang ka-live in part er para magpasa-ilalim sa kanilang preventive custody.

Sabi ni Maj. Ballesteros, sa pamamagitan ng pagsuko ni Magpantay, naniniwala silang mapapabilis ang pag usad ng kaso ni Catherine.

Nangako raw kasi itong handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad para sa ikalulutas ng kaso sa pagkawala ng beauty queen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *