DTI Pascual, naniniwalang handa na ang mga negosyo sa bansa para sa RCEP

Naniniwala si Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na handa na ang mga local businesses para sa trading arrangements na magmumula sa Regional Comprehensive Economic Partnership.

Sinabi ni Pascual na nakikita niyang inaasahan na ng mga negosyo ang partisipasyon ng bansa RCEP, na unang lumutang noon pang August 2012.

Maliban dito, target na rin umano ng mga investors ang Pilipinas bilang production hub na magtayo ng manufacturing hubs at mamuhunan sa bansa.

Dagdag nito, na ang mga foreign businesses, lalo na sa manufacturing, ay magtatayo rin umano ng shop sa Pilipinas para makakuha ng mababang taripa sa kanilang mga exports sa mga kalapit na bansa.

Mababatid na bomoto pabor sa r Resolution No. 485 ang 20 senador na nagbigay daan para maratipikahan ang RCEP sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *