LTFRB, muling pinalawig ang prangkisa ng mga traditional jeepney

Muling pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney para bigyan ang kanilang mga operators ng mas mahaba pang panahon para magcomply sa modernization program ng gobyerno.

Ang extension sa Provisional Authority (PA) para sa mga traditional jeepneys ngayon taon ay nakapaloob sa LTFRB Memorandum Circular No. 2023-013, na nagsasaad din na kailangan sumali sa mga kooperatiba o bumuo ng korposrasyon ang mga operators at drivers ng mga traditional.

Ang membership sa kooperatiba o korporasyon ay magbibigay daan para sa mga drivers at operators ng traditional jeepneys na maging pasok para sa Dec. 31, 2023 deadline extension.

Kaugnay nito, ang mga operators at drivers ng traditional jeepneys ay bibigyan ng hanggang June 30 para sumali sa mga cooperatives at corporations.

Sa gitna nito, nilinaw ng LTFRB na ang mga cooperatives at corporations ay kailangang accredited ng Office of the Transport Cooperative (OTC) o kailangang kumuha ng registration mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) hanggang sa Aug. 31 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *