COVID 19 bed utilization rate sa So.Cot, 101% na

KORONADAL CITY- NASA 101% na ang COVID 19 bed utilization rate sa lalawigan ng South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Dr. Sherry May Embay, Vice President ng South Cotabato Medical Society batay sa datos ng One Hospital Command Center noong September 9.

Sa katunayan ayon kay Embay, sumobra na sa 191 COVID 19 bed capacity ang okupado mula sa lahat ng mga ospital sa South Cotabato na tumatanggap ng mga COVID 19 patients.

Sa mga ICU beds naman, 83.33% na ang utilization rate nito kung saan sa 12 mga ICU beds, 10 na ang okupado.
Okupado na rin ang 11 sa 14 na mga ventilators, at dalawa sa anim na mga dialysis machines.

Dahil sa kulang na mga COVID 19 beds, at punuan na mga ospital, inihayag ni Embay na may 276 na mga pasyente na ang dineny ng admission mula noong Agosto at inirefer na lamang sa mga isolation facilities, o isinailalim sa home quarantine.

Dahil dito, inirerekomenda ng SOCOMED sa mga hospitals at mga local government units ang pagdadagdag ng hospital bed capacity para sa mga COVID cases, pagdagdag ng mga nurses, mga gamot, oxygen, wards, private rooms, OB at ibang kailangan sa paggamot sa mga COVID patients.

Umapela din si Embay sa lahat na makipagtulungan sa mga health authorities at sa gobyerno upang hindi na dumami pa ang kaso ng COVID 19 sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *