Duterte, nagbigay ng advice hinggil sa presidency sa pulong kay BBM

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nagkita sina Pangulong Rodrigo Duterte at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ilang araw bago ihayag ng ruling party PDP-Laban ang pag-endorso sa kandidatura ng pressidential aspirant.

Ayon kay Go, naging produktibo ang pulong sa pagitan ng dalawa, kung saan nagbahagi si Duterte ng kanyang mga karanasan at nagbigay ng payo sa presidency.

Dadag ni Go na sa buong pulong, halos 80 percent ng discussion ay si Duterte umano ang nagsasalita.

Ang pulong ay nangyari sa kabila na tinawag ng punong ehekutibo si Marcos na mahinang lider, at nagbigay pa ang pangulo ng preference na isang abogado tulad niya ang dapat na maging sunod na presidente.

Kaugnay nito, sinabi ng senador na ang naturang pulong ay isa sa mga factors na nag-udyok sa endorsement ng PDP-Laban wing, maliban sa ilang mga konsultasyon sa kanilang mga miyembro. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *