Duterte, personal na sasalubungin ang pagdating ng US-donated vaccines bukas

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating bukas ng tatlong milyong Moderna vaccines mula sa COVAX facility.

Sinasabing ang incoming Moderna doses ay mula sa United States, kasunod ng courtesy call ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa pangulo noong Huwebes.

Ang pulong ni Austin kay Duterte ay nagbigay daan rin para sa retraction sa termination ng Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa United States.

Maliban sa naturang bakuna, may mahigit isang milyon pang Sinovac doses ang matatanggap ng Pilipinas sa unang linggo ng Agusto.

Samantala, sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na ang naturang tatlong milyong bakuna na ipapadala sa bansa, ay maaring maging bahagi ng doses na ipapadala sa Metro Manila. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *