E-Waste ‘To Iwasto Program, inilunsad ng EMB Bicol sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Environmental Management Bureau (EMB) Bicol katuwang ang United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) at Eco Waste Coalition, ang E-Waste ‘To, Iwasto Program kamakailan sa isang mall sa lunsod ng Legazpi, Albay.

Layunin ng programa na ipaalam sa publiko ang tamang paraan ng pagtatapon ng electronic wastes mula sa mga lumang electronic devices.

Aniya, maiiwasan ang materyal na naglalaman ng Persistent Organic Pollutants (POPs) tulad ng Polybrominated Diphenyl Ethers (PBDE) at iba pang mga nakakalason na metal gaya ng Lead (Pb) at Mercury (Hg) na ma-recycle o mailabas sa kapaligiran at itapon ang mga kontaminadong materyal na POP.

Ito rin ay isang paraan din umano upang ipagdiwang ang International Lead Poisoning Prevention Week nang mas makabuluhan.

Paalala ng ahensya sa publiko, lalo na sa mga may-ari ng junk shops at nangongolekta ng waste from electronic equipment bilang kabuhayan, maaari umanong pagkakitaan sa oras na matapos na makolekta at kailanganin ang mga napili nito ay itapon ito sa tamang lugar dahil ang mga ito ay may toxic materials na maaaring maging sanhi ng pagkalason at pagkasira ng kalusugan at kapaligiran.

Maliban pa rito, nagsilbing pilot ang barangay San Roque, Legazpi City kung saan itatayo ang drop-off facility sa pagkolekta at pagtapon ng mga waste from electronic equipment sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *