Economic managers, magbibigay ng briefing sa mga senador sa panukalang MIF

Magbibigay ng briefing sa mga senador ang mga economic managers  sa darating na June 30 tungkol sa mga layunin at iba pang detalye ng panukalang Maharlika Investment Fund.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, tatanungin niya ang mga economic managers sa pagkukunan ng pondo ng sovereign wealth fund at kung posible ang paglikha ng MIF kahit walang bagong batas.

Aniya, “welcome development” ang pinakahuling pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na humihiling sa Senado na pag-aralan nang mabuti ang MIF bill.

Batay sa kanyang obserbasyon, sinabi ng majority leader na bukas ang kanyang mga kasamahan sa pagtalakay sa panukala hindi tulad noon na maraming “negative reactions.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *