EDCA sa pagitan ng US at Pilipinas, paiigtingin

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Amerika at ng Pilipinas para talakayin ang seguridad sa rehyon, at ang muling pagbuhay sa relasyon ng dalawang bansa na lumamig sa ilalim ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, sa mga susunod na buwan ay magkakaroon ng Bilateral Strategic Dialogue, isang dayalogo sa pagitan ng mga defense officials ng Amerika at ng Pilipinas.

Kinumpirma pa ni Carlson ang paglalaan ng Amerika ng P4Billion sa susunod na taon para sa pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreementโ€‹ โ€‹o EDCA.

Matatandaang nagbanta si dating pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang EDCA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *