Edible landscaping project ng Albay Young Farmers, sinisimulan na

LEGAZPI CITY – Sinisimulan na ng Albay Young Farmers Organization ang proyektong Edible Landscaping sa lalawigan ng Albay ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa program director nito na si Joshua Barcelon, ipagpapatuloy na ang Edible Landscaping project season 5-9 simula ngayong buwan sa ilang mga bayan sa lalawigan.

Aniya, ang season 5 ay isasagawa muna sa 2nd District ng Albay, kung saan magiging katuwang nila ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) organization, habang ang season 6 ay sa bayan ng Libon, katuwang ang Enhanced Partnership Against hunger and Poverty (EPAP) organization.

Ang season 7 na siyang pinaka-urgent, ay gaganapin sa Brgy. Ilawod ng Guinobatan, kung saan ito ay magiging barangay-based at tatawaging Edible Landscaping sa Tahanan.

Sinabi pa ni Barcelon, kapag season 8 na ng proyekto, babalik ang mga ito sa bayan ng Polangui, kung saan magiging katuwang din nila rito ang HAPAG organization at sa buwan ng Agosto ay nakatakda namang isagawa ang edible landscaping sa mga paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *