EJ Obiena sasali pa sa ilang malaking kompetisyon bago ang Tokyo Olympics

Walang plano ang Olympic pole vaulter qualifier na si EJ Obiena na magpahinga bago ang kaniyang pagsabak sa Tokyo Games dahil sa nakatakda niyang pagsali sa apat na malalaking kompetisyon sa Germany at Poland.

Magpapartisipa ang 25-anyos na atleta sa True Athletes Classics sa Germany bukas, sa Irena Szewinska Memorial Cup sa Poland sa Miyerkules, at dalawang meets sa Stockholm sa July 2 at 4.

Magsisilbi naman bilang last stop ni EJ ang Bauhaus-Galan sa Wanda Diamond League circuit.

Ayon kay Obiena, umaasa siya na magpapakita sa mga nabanggit na events ang mga Tokyo favorites kabilang na ang World No. 1 na si Mondo Duplantis ng Sweden, No. 2 na si Sam Kendricks ng Estados Unidos, at No. 6 na si Thiago Braz da Silva ng Brazil.

Ang 21-anyos na si Duplantis ay ang may hawak sa world indoor at outdoor records, habang ang 28-anyos na si Kendricks, ay ang 2017 world champion.

Samantala, ang 27-anyos naman na si Braz da Silva , ay ang defending Olympic gold medalist.

Mababatid na nakapwesto si Obiena sa No.10 spot ng world rankings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *