Panukalang magkaroon ng ikatlong distrito sa lalawigan ng Bataan, ganap ng batas Panukalang magkaroon ng ikatlong distrito sa lalawigan ng Bataan, ganap ng batas

BATAAN-Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagdadagdag ng ikatlong distrito sa lalawigan ng Bataan.

Ito ay matapos ang ilang panahong pag-aaral ng mga mambabatas mula sa senado at kongreso sa HB 8664 na ipinanukula ni Bataan 2nd District Representative Joet Garcia.

Nitong nakalipas na Huwebes, June 24 ay pormal ng pinirmahan ng Pangulong Duterte sa palasyo ng Malakanyang ang panukalan at ngayon ay isa ng ganap na Republic Act 11553 o “An Act Providing For The Reapportionment Of The Province Of Bataan Into Three Legislative District”,

Ibig sabihin, hahatiin na sa tatlong distrito ang lalawigan kung saan ang unang distrito ay bubuuin ng mga munisipalidad ng Hermosa, Orani, Samal at Abucay

Samantalang ang ikalawang distrito naman ay ang siyudad ng Balanga, mga bayan ng Pilar, Orion at Limay habang ang magiging bagong ikatlong distrito ay bubuuin ng mga bayan ng Mariveles, Bagac, Morong, at Dinalupihan.

Dahil dito ay inaasahan rin ang pagkakaroon ng karagdagang alokasyon ng pondo para sa mga gagawing proyekto.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Abet Garcia

May be an image of one or more people and text that says 'Para sa mas maginhawang araw! SHOP NOW! Lazada Power Cells 6 in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *