Ekta-ektaryang palayan sa Siruma , Camarines Sur pineste

NAGA CITY- Nanghihinayang ang mga magsasaka sa Siruma , Camarines Sur ; ekta-ektarya kasing palayan ang pineste ng Brown Plant Hopper.

Salaysay sa Brigada News FM Naga ni Rodolfo Ani, sa ilang dekada niyang pagsasaka ngayon niya lamang ito naranasan , kung dati rati ay umaani siya ng nasa isang daang sako ngayon baka dalawang sako na lamang o baka halos wala na.

Matindi aniya ang epekto sa kanila ng peste. Hindi rin matiyak ni Ani kung insured ang kaniyang palayan. Ayon kasi aniya sa Municipal Agriculture Office , hindi insured, wala ring na sertipikasyon ang nasabing magsasaka noon, magkagayunman hiling na mapuksa ang peste upang hindi na maapektuhan ang iba.

Sinabi naman sa BNFM ni Pio Balanay Jr, ng MAO nag-ikot na sila at apat na barangay na ang apektado o aabot na sa 51 ektarya. Sa  pamamagitan aniya ng Department of Agriculture , namigay na sila ng kemikal na pamatay peste upang hindi na kumalat lalo. Pinag-aaralan pa nila kung ano ang sanhi nito.

Ayon kay Love Guarin ng DA Bicol, nag pa spray na ang Regional Crop Protection Center sa sakahan.  Kinokrontol na aniya ng DA ang pangyayari sa Siruma upang hindi na kumalat pa sa ibang mga karatig bayan.

Muli rin nitong pinaalala na dapat insured ang pananim para makuha ng benipisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *