Employment rate sa Bicol, pumalo nasa 94.8%; unemployment rate bumaba na sa 5.2% – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) Bicol na mas lalo pang tumaas ngayon ang employment rate sa ikalawang quarter, habang ang unemployment rate ay bumaba na sa rehiyon.

Ayon kay Coney Frances Baleda, Statistical Specialist II ng nasabing tanggapan, nasa 94.8% ang employment rate habang 5.2% ang unemployment rate sa Bicol.

Aniya, halos magkapareho lang ngayon ang employment rate sa national.

Paliwanag ng ahensya kung bakit tumaas ang employment rate sa Bicol Region, ito ay dahil sa marami na ang nagbukas na trabaho kumpara sa mga nakalipas na taon, kung saan halos nagsara at marami ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Dagdag pa nito, marami na rin ang natanggap at nakabalik sa kanilang trabaho, kung kaya’t tumaas muli ang employment rate sa rehiyon.

Sinabi ng opisyal, sa ngayon ay hindi pa masabi ng PSA Bicol kung anong trabaho ang pinakamaraming nagbukas o in-demand ngayon sa nasabing quarter dahil hindi pa nakapagsagawa ng survey para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *