Errol Spence Jr. na-unify na ang welterweight titles matapos ang bout vs Ugas

Nagpag-isa na ni Errol Spence Jr. ang kanyang WBC, WBA, at IBF world welterweight titles kasunod ng one-sided beatdown kay Yordenis Ugas sa AT&T Stadium sa Arlington, USA.

Mababatid na parehong binuksan ng dalawang fighters ang naturang laban ng mga suntok sa ulo at katawan.

Pero si Spence nakahanap ng tempo sa round two, kung saan nakapagbitiw ito ng mga suntok sa top at sa mid-section, habang si Ugas ay naghintay pa ng pagkakataon para makabawi.

Nagtuloy-tuloy ang buwelo ni Spence sa round 4, dahilan para masaktan si Ugas mula sa malalakas na kombinasyon na pinakawalan ni Spence, kung saan natumba na ito sa round 5.

Nakabawi si Ugas pagdating ng round 6, pero hindi natinag si Spence pagdating ng round 8 hanggang sa magtuloy-tuloy, at natamaan ang kanang mata ng kalaban dahilan para pumagitna na ang referee sa 1:44 mark ng round ten.

Dahil sa technical knockout victory, lalong napaganda ang perfect record ni Spence na 28-0 na may 22 knockouts habang si Ugas ay bumagsak sa 27-5 sa 12 knockouts. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *