Estudyante, patay sa saksak

Pinaglalamayan na ang isang 17 anyos na binata matapos undayan ng saksak sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City nitong Sabado ng gabi, June 18, 2022.

Kinilala ang biktima na si Tristan Madera, isang Grade 9 student.

Ayon sa saksi, bago ang insidente,  naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kuya at tatlong kaibigan nito nang sila’y harangin ng mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nagmakaawa pa umano ang kuya ng biktima sa mga suspek na huwag ituloy ang pananaksak subalit itinuloy ang krimen.

Ang mga itinuturong suspek ay nakuhanan pa ng CCTV matapos ang krimen.

Samantala, wala pang ideya ang ilang kaibigan ng biktima para paslangin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *