Ex-BF na hindi pa nakakamove-on, kinasuhan ng ex-GF matapos na magselos at ipakalat ang kanilang sex video

SORSOGON CITY – Arestado ang 20-anyos na binata makaraang hainan ito ng kanyang arrest order sa kasong ‘exploitation’ na may relasyon sa RA 7610 o child abuse.

Kinilala ang akusado na si Cedric jejillos Garcia, construction worker/student at naninirahan sa Miraculous Subd. Brgy Macabog, West District, Sorsogon City.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court Br 12 sa kasong Special Protection of Children and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) sa paglabag sa seksyun 10A ng RA 7610 na may itinakdang piyansa na aabot sa P80, 000.00 para sa temporaryong kalayaan ng akusado.

Sa impormasyon na ekslusibong nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon, menor-de-edad pa ang biktima nang mangyari ang nasabing video.

Ang suspek umano ay hindi pa nakamove-on nang maghiwalay ang dalawa at nagselos pa umano ito nang magkaroon ng ibang relasyon ang kanyang dating kasintahan.

Pagganti umano ang dahilan sa pagpapakalat ng suspek ng naturang video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *