Ex-husband ni Moira na si Jason , nag-post ng larawan kasama ang isang babae

Nabulabog ang mga social media users kahapon matapos mag-post ng litrato ang singer na si Jason Hernandez na may kasamang isang misteryosong babae.

Sa kanyang Instagram story, nakita si Jason na nakangiti kasama ang isang batang babae na naka-cap, na ang mga braso ay nakapulupot sa kanyang mga balikat.

Gayunpaman, hindi nilagyan ng caption ni Jason ang larawan.

Naniwala ang ilang social media users na nanliligaw ngayon si Jason pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating asawang si Moira dela Torre.

Ang iba ay nag-claim na ang babae sa larawan ay si Moira.

Gayunpaman, mabilis itong itinanggi ni Moira matapos siyang tanungin ng isang social media users.

Matatandaang , nag-post din si Moira ng isang larawan kasama ang isang misteryosong lalaki kamakailan ngunit mabilis na nilinaw  na manager niya ito.

Naghiwalay ang mag-asawa noong 2022 kung saan inamin ni Jason na nagtaksil siya kay Moira.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *