Makabagong Rice Processing Center, itatayo sa Bayan ng Narra, Palawan

Matagumpay ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing at ground breaking ceremony para sa isang State-of-the-Art Rice Processing System (RPS) II na itatayo sa Narra, Palawan.

Ito ay pinangunahan nina Director for Operations Joel Dator ng DA-PHilMech at Narra Mayor Gerandy Danao kanina (May 11, 2023) ganap na alas-nuwebe ng umaga (9:00am) sa Line 3 Barangay Antipuluan.

Ayon sa Mayor’s Office, ito ay suportado ng Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech).

Ang proyekto ay pinondohan ng DA-PhilMech na nagkakahalaga ng humigit kumulang ₱60 milyon, kasama ang mga postharvest machinery.

Aabot naman nasa ₱19 milyon ang bahagi ng LGU Narra kasama na ang Warehouse na paglalagyan ng mga equipment at pagtatayuan ng naturang proyekto.

Mababatid na ang programa at proyektong ito ay nagde-develop ng mga teknolohiya sa mekanisasyon para sa produksyon at mga post-production operation ng palay mula sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pag-aani, pagsasala ng palay, pagpapatuyo hanggang sa paggiling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *