Ex-Pres. Duterte , hindi umano malilinis ng Kamara sa umano’y crimes against humanity sa war on drugs ng administrasyon nito

Hindi umano malilinis ng mga panukalang resolusyon sa Kamara na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagsisiyasat ng International Criminal Court sa umano’y crimes against humanity kaugnay ng war on drugs ng administrasyon nito.

Inilabas ni Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag bilang reaksyon sa House Resolution 780 na inihain ni dating President at Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo at iba pang mambabatas na humihiling sa Kamara na idepensa si Duterte sa imbestigasyong isasagawa ng ICC.

Sinabi ng mambabatas , na bagamat hiniling ng resolusyon na idepensa si Duterte, hindi nito pinasisinungalingan na 6,000 hanggang 30,000 drug suspects, na karamihan ay mahihirap ang umano’y namatay sa kampanyang inilunsad ng nakaraang administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.

Bagamat masasabi umano na gumugulong ang hustisya sa bansa, sinabi ni Lagman na wala kahit na isang kaso ang naisampa at nilitis laban kay Duterte kaugnay ng umano’y crimes against humanity.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *