Federer, Nadal nakatakdang mag-team up sa Laver Cup

Nakatakdang mag-team up sina Roger Federer at Rafael Nadal para sa Europe laban sa iba pa sa mundo sa ika-limang edisyon ng Laver Cup, sa huling bahagi ng 2022.

Ang anunsyo ay sa kabila na walang kasiguraduhan ang future ni Federer sa tennis, kasunod ng mahabang panahon na hindi nakapaglaro matapos ang knee surgery.

Ayon sa Swiss great, malalaman niya sa Abril o Mayo kung makakabalik na siya sa court, matapos na pumuwesto sa sidelines noong nakaraang taon na Wimbledon.

Sina Federer at Nadal ay tatargetin na maipanatili ang perfect record ng Team Europe sa event sa London.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *