Final SONA ni Duterte, all systems go

Nakalatag na ang health protocols at mahigpit na seguridad sa Batasan Complex sa Quezon City para sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, para bukas.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, handa na silang tanggapin ang pangulo para sa kanyang much-awaited annual message para sa mamamayang Pilipino.

Dagdag ni Velasco, nasa ilalim ng strict lockdown ang Batasan complex at inaasahan ang 350 SONA attendees.

Pagbabahagi ng Speaker, may ibinigay na special identification cards sa essential congressional staff at SONA attendees, na kailangan magpresenta ng kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay fully vaccinated, maging ang negative results ng kanilang RT-PCR at antigen tests, bago pumasok sa gusali na nasa loob ng complex.

Kaugnay nito, may may nakaposteng police barricades at checkpoints sa palibot ng Batasan complex. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *