Solons, pinuri ang mga legasiya ng Duterte admin, bago ang final SONA

Pinuri ni House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez ang mga legasiya ng Duterte administration, gaya ng pagpasa sa Universal Health Care Act at free college education law, at reporma sa taxation.

Ayon kay Romualdez, ang naturang mga batas ay ‘unthinkable’ para sa maraming henerasyon noong nakaraan, pero naging posible sa ilalim ng Duterte administration.

Giit pa ng mambabatas, mahirap malampasan ang naturang mga accomplishments ng sinumang administrasyon na darating.

Samantala, umaasa naman si House Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda na maisasama ng pangulo sa kanyang SONA ang achievements ng reheming Duterte sa pagtugon sa climate crisis.

Binigyang diin ni Legarda ang paglagda ni Duterte sa Paris Agreement on Climate Change noong 2017. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *