OLONGAPO- Inaasahang magbubukas na ang floating cottage na matatagpuan sa ilog ng Bgy. Pagasa, Olongapo City.
Ito ay dahil natapos nang gawin ang dalawang cottage at nailagay na sa nasabing ilog.
Ayon kay Punong Barangay Rodolfo Catologan Jr., may posibilidad na buksan na ito sa susunod na lingo pero wala pang eksaktong petsa.
Tiniyak ng opisyal na abot-kaya ng publiko ang rental fee na kasalukuyan pang isinasaayos ng barangay.
Kaugnay nito, plano pa ng pamunuan na magdagdag ng dalawa pa para mayroon pang karagdagang atraksyon.
Inaasahan rin kasi na maliban dito ay tuloy na rin ang ilalagay na mga fish cage sa ilog bilang bahagi ng livelihood project ng lungsod at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
