Florida Gov. DeSantis, pinirmahan ang batas na maghihigpit sa mga social media platforms

Nilagdaan ni Florida Governor Ron DeSantis ang isang panukalang batas na nagbabawal sa mga kabataang wala pang labing apat na taong gulang mula sa mga social media platforms maliban na lang kung may parental consent.

Ayon sa mga taga suporta ng panukala, ito ang magpo-protekta sa mga kabataan laban sa panganib ng social media at mapangalagaan ang kanialng mental health.

Nire-require ng panukala na tanggaling ng mga social media platforms ang mga accounts ng kabataang wala pang labing apat na taong gulang at walang mga parental consent.

Magiging batas ang nasabing panukala sa Enero 1, 2025.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *