National Volleyball Federation, naghahandang i-host ang World Championship

Naghahanda ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) para sa isa sa pinakamalaking sporting event nito matapos mapalanunan ang solo bidding rights ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Itatampok ng World Championship ang 32 pinakamahusay na mga koponan sa mundo upang makipagkumpetensya para sa ultimate volleyball supremacy.

Ayon kay PNVF chief Tats Suzara, handang-handa na ang Pilipinas dahil sa ngayon at magiging magandang oportunidad ito sa bansa.

Magsisilbing mga courts ang mga dating VNL venues, tulad ng Mall of Asia Arena at Araneta Coliseum.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *