Former Rebel, itinumba ng dating kasama sa kilusan

SORSOGON CITY – Dead on the spot ang isang dating kasapi ng New People’s Army (NPA) nang pagbabarilin ng dating kasamahan sa kilusan, gabi noong Mayo 22 sa Brgy Bulawan, Irosin , Sorsogon.

Napuruhan ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Jose Alcante Huab Gamis alias ‘Onyo’ may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Sa ulat, alas 7:45 ng gabi habang nagpapahinga ang biktima sa ikalawang palapag ng bahay nito nang pasukin ng mga armadong lalaki saka pinagbabaril.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Si Gamis ang pang-apat na ex-NPA na biktima ng likidasyon ng dati nilang kasamahan sa hukbo ngayong taon.

Noong Enero ay tinambangan sa bayan ng Barcelona si Romeo Hapa France, buwan ng Abril naman nang pagbabarilin sa inuman sina Elvin Janapin Alzaga sa Brtgy Guinlajon, Sorsogon City at Nestor Hubilla Sarmiento sa Brgy San Pascual, Casiguran, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *