Gaballo – wagi sa 1st round knock out kontra Thai boxer na si Phai Pharob

‘Wala nang intro-intro nang ‘di na pinatagal ni Reymart ‘The Assasin’ Gaballo ang bakbakan kontra sa Thai boxer na si Phai Pharob.

Ito ay matapos niyang patumbahin ang dating WBA interim world champion na si Pharob sa loob lang ng 32 segundos.

‘Di pa umiinit ang boxing ring ay kaagad na nagpaulan ng left-right-left hook combo si Gaballo.

‘Di na nakatayo pa ang Thai matapos bilangan ng sampu ng ref.

Sa panayam ng Brigada NewsFManila kay ‘The Assasin’ – nagpasalamat ito sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya.

Target naman umano niyang masungkit ang world title at makasagupa sa ring ang WBO World Champion na si Jason Moloney.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *