Gilas panalo kontra India sa huling window ng FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers

Kapos man sa player, nagawa pa rin ng Gilas Pilipinas na kunin ang panalo sa kanilang huling laro sa Window 3 campaign ng 2023 FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers.

Sumandala ang Philippine squad sa tambalan nina Dwight Ramos at Kiefer Ravena, upang lampasan ang Indian squad sa 79-63 panalo dahilan para makuha ang 2nd spot sa Group A.

Tinapos ng Gilas ang unang round na may 2-2 record habang pinapanatili ang India na winless.

Ang panalo ay magandang bounce-back para sa Pilipinas na lumuhod sa Australian Tall Blacks noong Biyernes sa Auckland matapos tambakan ng 46 points.

Ibinagsak ni Ramos ang siyam sa 21 puntos ng Gilas sa opening quarter na nagbigay sa host ng 11 puntos na kalamangan.

Napigilan ng depensa ng Gilas ang kanilang mga bisita sa second frame na humantong sa 45-24 halftime lead.

Pinangunahan ni Ramos ang Gilas na may 21 puntos, limang rebound, apat na steals, at dalawang assist habang si Ravena ay nagdagdag ng 12 puntos sa 5-of-8 shooting mula sa field na may apat na assist, dalawang steals, at dalawang rebound.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *