Gilas Pilipinas, bubuo ng best team sa pagbabalik sa World Cup

Sa kanyang ikalawang FIBA ​​World Cup gig, alam ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes kung gaano magiging kahirap ang kompetisyon.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang ilan sa mga dati nang nakalaban sa international stage para sa 2023 FIBA World Cup.

Nandiyan ang Italy, Angola at Dominican Republic, na ayon kay Gilas head coach Chot Reyes ay may mas igaganda pa sana ang Group A kung saan kabilang ang Pilipinas.

Aniya, kung nakaiwas lang sana sa Angola ang ‘Pinas ay mabuti para sa Gilas.

Dati nang nakaharap ng Gilas ang Angola sa 2019 FIBA World Cup, kung saan nabigo ang PH national team sa overtime na tatlo lang ang lamang ng African country.

Gayunpaman, positibo si Chot ngayong makapaghahanda na sila ng husto para sa torneo sa Agosto. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *