Ginang sa USA, nakajackpot sa lottery scratch card na mula sa kanilang exchange gift sa Christmas Party

Naniniwala ka ba sa blessing in disguise?

Isang ginang kasi sa Kentucky, USA na si Lori Janes ang nakatanggap ng lottery scratch card sa exchange gift nila noong Christmas Party sa kanilang opisina.

Ngunit, ikinagulat ni Janes ang sumunod na pangyayari dahil sa hindi niya inakala na literal na lucky card ang kaniyang hawak.

Ito’y dahil sa naglalaman pala ng jackpot prize lottery ticket na siyang ipinagbunyi ng kaniyang mga kaopisina.

Naglalaman lang naman kasi ito ng $175,000 o aaboty lang naman sa P9.6 million at para sinigro pa nga nila ito sa pagbukas ng lottery app kung tunay ngang nanalo si Janes.

Una sa plano ni Janes sa kaniyang napanalunan ay mabayarqan lahat ng student loan ng kaniyang anak at ang kanilang automobile loan.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *