Ginebra teammates Aguilar at Thompson , pasok sa PBA All-Star teams bilang captains

Pasok sa sa PBA All-Star teams bilang captains ang Ginebra teammates na sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson na gaganapin sa Passi City, Iloilo sa March 12.

Ito ay makaraang mangunguna sina Aguilarm na may 1,239,665 fan votes, habang si Thompson ay pumangalawa matapos makakuha ng 1,217,226 boto sa season-ending showcase na magbabalik pagkatapos ng tatlong bunsod ng pandemya.

Magiging magkalaban ang dalawa sa All-Star Game at may pagkakataon sila mag-draft ng players sa Lunes upang mabuo ang kanilang team.

Bukod kina Aguilar at Thompson, pinagpilian rin ang six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na pumangatlo sa botohan at iba pang manlalaro ng Ginebra na sina Jamie Malonzoat Christian Standhardinger.

Pang-anim naman sa All-Star voting ang nagbabalik na si James Yap, habang sina LA Tenorio, Calvin Abueva, Mark Barroca at Stanley Pringle ay kasali sa Top 10.

Kasali rin sa All-Star Game sina CJ Perez, Paul Lee, Jayson Castro, Gian Mamuyac, Jeremiah Gray, Terence Romeo, Robert Bolick, Marcio Lassiter, Arvin Tolentino, Roger Pogoy, Kevin Alas, Chris Newsome, Nards Pinto, at Mikey Williams.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *