Go: Anti-drug war, hindi patitinag para makapagbigay ng mas ligtas na PH

Nanindigan si Senator Christopher “Bong” Go na mananatiling relentless ang anti illegal drugs campaign ng gobyerno, sa kabila ng pormal na hiling para sa judicial authorization sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y crimes against humanity case na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ng outgoing prosecutor ng International Criminal Court.

Ayon kay Go, ang kampanya laban sa ilegal na droga ang naging dahilan para mas ligtas at mas scure ang bansa.

Dagdag ng senador, mas may tiwala na ngayon ang mga Pilipino sa law enforcement authorities, kumpara noon.

Giit ni Go, ang war on illegal drugs ay may kaugnayan sa misyon ni Duterte na magbigay ng mas ligtas na bansa, hindi lang para sa mga Pilipino ngayon, kundi para sa mga susunod pang henerasyon.

Mababatid na para mapalakas ang kampanya ng bansa laban sa ilegal na droga at matulungan na mareporma ang mga drug victims, naghain si Go ng Senate Bill No. 399 na naglalayung magtatayo ng drug abuse treatment at rehabilitation center sa  bawat probinsya sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *