Go: Suportahan ang National Vaccine Program; Maging proactive sa prep vs future health crises

Binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go na natuto na ng leksyon ang bansa mula sa COVID-19 pandemic pagdating sa paghahanda at pag-gawa ng mas proactive approach sa pagharap sa mga hamon at disruptions na dulot ng public health issues.

Ayon kay Go, mayroon nang mga sistema ang bansa na dapat sundin dahil maaaring hindi umano ito ang huling pandemya na darating sa atin.

“Dapat handa tayo, mas proactive. Better be prepared always; mahirap po na mabigla ulit tayo,” dagdag ng senador. Una nang isinulong ni Go ang set ng mga measures na naglalayung mapalakas ang kahandaan ng bansa at tugon sa health crises, sa pamamagitan ng kanyang inihaing Senate Bill 2158 na naglalayung magtatag ng Center for Disease Control and Prevention o ang Philippine CDC na tutok sa responsibilidad para sa pagprotekta sa buhay ng milyon-milyong Pilipino sa pamamagitan ng monitoring, tracking, responding, at mitigating outbreaks ng infectious diseases at iba pang public health emergencies.

Maliban dito, naghain rin ang senador ng Senate Bill No. 2155, o ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines Act of 2021 na naglalayun naman na maging competenet ang bansa pagdating sa health related research initiatives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *