Gold at bronze medal, nasungkit ng 4 na mga Albayanong mag-aaral sa Thailand Int’l Mathematical Olympiad

LEGAZPI CITY -Apat na mga mag-aaral mula sa lalawigan ng Albay ang nakasungkit sa gold at bronze medal sa katatapos lamang na Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO).

Kinilala ang mga mag-aaral na sina Rica May Ordinario, grade 8; Rayver John Valenzuela, grade 10 na parehong nag-uwi ng gintong medalya; Gwen Canicula, grade 9, may bronze medal at pawang mga mag-aaral ng Malinao National High School; habang si Sienna Belle Que, grade 9 na mula sa Tabaco National High School ay nag-uwi rin ng kaparehong medalya.

Labis naman ang pagpahayag ng pagkatuwa at suporta ng mga kaibigan, pamilya, at mga guro ng nasabing mga mag-aaral.

Ang nasabing kompetisyon ay inorganisa ng Olympiad Champion Education Center (OCEC) at ng Thailand Mathematics Society.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *