‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan ng China sa Ayungin shoal mula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw, sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., na walang anumang kontak ang kagawaran sa sinumang opisyal ng Chinese government mula noong nakaraang taon.

Nauna nang naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy na pumasok umnao sa isang “intimate understanding” ang Pilipinas noong September 2023 kaugnay ng Ayungin Shoal, ngunit inabandona raw ng administrasyong Marcos Jr. ang kasunduan matapos ang pitong buwan.

Ayon kay Teodoro, bahagi ito ng Chinese propaganda effort upang ilihis ang pansin ng mga Pilipino mula sa tunay na isyu at sanhi ng mga tensyon sa West Philippine Sea.

Iginiit ng opisyal, na hindi kailanman papasok ang DND sa anumang kasunduang magdudulot ng panganib sa sovereignty at sovereignty rights sa ilalim ng UNCLOS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *