Grupo, hinimok ang gobyerno na imbestigahan ang talamak na ‘smuggled’ poultry products

Hinimok ng United Broiler Raisers Association (UBRA) ang gobyerno na imbestigahan ang smuggled poultry products sa mga groceries, na naglalagay sa mga local producers sa disadvantageous position.

Ayon kay UBRA chairman Gregorio San Diego, hindi naman umano maraming ang mga imported poultry products sa mga wet markets.

Ang pahayag ng UBRA ay kasunod ng sinabi ng consumer rights advocacy group Bantay Konsumer, Kalsada at Kuryente (BK3), na batay sa kanilang market monitoring, na talamak umano ang imported poultry products sa ilang wet markets sa Manila.

Pero giit ni San Diego, na ang smuggled poultry products ay madalas makikita sa mga groceries at supermarkets, maging sa iba’t-ibang online stores at outlets.

Dahil dito, nais ng grupo na magsampa ang gobyerno ng mga kaso laban sa mga importers na mahuhulihan ng smuggled agricultural products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *