Guidelines sa pag-file ng COC sa 2022 National Election mas mahigpit-Comelec Albay

LEGAZPI-Nanawagan na ang Commission on Elections (COMELEC) Albay sa lahat ng planong tumakbong kandidato sa halalan 2022, na dapat alamin na ng mas maaga ang bagong guidelines para sa pag-file ng Certificate of Candidacy o COC sa susunod na buwan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi Kay Provincial Election Supervisor Atty. Maria Aurea C. Bu-Bonao, malaki umano ang pagkakaiba ng oag-file ng COC ngayong pandemicc kumpara noong mga nakaraang taon.

Kung dati ay ministerial o lahat tinatanggap ang COC, ngayong pandemya, kung sakali makitaan ng Comelec na kulang sa documents o detalyes sa filled-up form, di nila ito tatanggapin.

Bawal din umano na magdala ng higit sa dalawang tao sa oras ng filing.

Kung maalala kasi noong nakaraang mga taon, kahit mga pamilya o kabaranggay ang sumasama pa sa kanilang kandidato.

Ayon pa kay Boneo, ito’y parte pa rin ng pag obserba ng Minimum Health Protocols na kung saan maging sa kanilang mga tanggapan ay maglalagay sila ng mga barriers sa bintana para sa mga transaksyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para masigurong ligtas at maayos ang nalalapit na eleksyon sa kabila ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *