Gunman sa pagpatay sa brodkaster na si Cris Bundoquin, inilipat na sa kustodiya ng NBI

Pinayagan ng Calapan City RTC Branch 39 ang mosyon ni Isabelo Bautista Jr. ang susoek sa pagpatay sa broadcaster na si Cris Bundoquin na mapasailalim sa kustodiya ng NBI sa halip na sa BJMP.

Sa dalawang pahinang desisyon ni Judge Charity Grace Rico, pinayagan nito urgent motion na inihain ni Atty. Patrick Velez at Atty. Francis Bangoy para sa paglipat ng kustodiya ng kanilang kliyente mula BJMP patungo sa NBI dahil umanonsa seryosong banta sa kanyang buhay.

Si Bautista ang itinuturong gunman sa pamamaril kay Bundoquin ng 3 saksi.

Si Bautista ay sumuko sa NBI-NCR noong June 27 na nahararap ngayon sa kasong murder at attempted murder nang masugatan sa pamamaril ang anak ng broadcaster.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *