Gatchalian, pinagpapaliwanag ang BI sa pagpasok ng mga pugante sa bansa

Pinagpapaliwanag ni Senador Win Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) kung bait nakapapasok ng bansa ang iba’t ibang mga foreign fugitives.

Ito ang naging reaksyon ni Gatchalian matapos madiskubre ang mga puganteng iba’t iba ang lahi na nahuli sa isinagawang raid sa POGO hub sa Las Piñas.

Ayon kay Gatchalian, dapat ay mayroong maayos na paliwanag ang BI kung bakit nakalulusot ang mga ito sa bansa – gayong mayroon na silang mga kasong kinahaharap lalo na’t sangkot sila sa iba’t ibang mga criminal activities gaya ng human trafficking at scamming.

Kung maaalala, una na niyang ipinanawagan ang pagpapalayas sa mga POGO lalo na’t malaki ang naging masamang epekto nito sa peace and order sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *